Ang nagniningning na mga Wikang Katutubo



Narito na naman ang buwan ng pagkilala at pagtangkilik ng ating sariling wika. Ang pagdiriwang na ito ay isa ring pambukas mata sa bawat Pilipinong tila ba'y nawala na sa kanila ang halaga ng Wikang Filipino. Ngunit sa taong ito, ang sentro ng Buwan ng wika ay ang mga wikang katutubo sa buong sulok ng Pilipinas. Dito mapapamalas ang mga unti-unti nang yamayaong wikang katutubo.

Sa wakas ay mabibigyan narin ang mga wikang umuusbong sa mga ilang sulok ng bansa ng pagkilala, katulad ng ating wikang Iloko. Mas mapapalalim pa ang pagmamahal natin sa ating wikang Iloko sa pamamaraan ng buwang ito dahil sa buong husay na ipagmamalaki ang kagandahan ng wikang Iloko. Dito sa Ilocos Sur National High School, nakiisa kami sa selebrasyong ito. Maraming paligsahan na naganap at marami ring pusong nagbalij-loob. Tunay na masaya at makabuluhan ang Buwan ng Wika ngayong taon na ito.

Ipinapanalangin ko sa Diyos na sana'y magkaisa ang bansang Pilipino anuman ang estado nila sa buhay o anuman ang kanilang katutubong wika. Sabay-sabay tayong tumayog upang makamit ang isang Bansang Pilipino.

Source: https://www.goodnewspilipinas.com/ways-to-celebrate-buwan-ng-wikang-pambansa-2019/amp/

Comments

Popular posts from this blog

2 0 2 0

Values Month; beyond the barriers of values education

REFLECTION